Advertisers

Advertisers

DOJ NA-SHOCK SA 30 METRONG LALIM NA ‘SWIMMING POOL’ PROJECT NI BANTAG SA BILIBID

0 218

Advertisers

NAGULAT ang Department of Justice (DOJ) sa ‘pool’ project o malalim na hukay sa loob ng New Bilibid Prison.

Ito ay makaraang ibuking ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. ang tungkol sa hukay na nadiskubre niya nang palitan niya sa pwesto si suspended BuCor chief Gerald Bantag.

Ayon kay Solicitor Ge-neral Menardo Guevarra, Justice secretary sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, hindi man lamang niya nalaman ang tungkol sa hukay na ito.



“The same being an operational matter, the BuCor probably did not find it necessary to inform, much less seek authorization from, the DOJ,” ani Guevarra.

Ang BuCor ay ahensiyang nasa ilalim ng DOJ.

Inookupahan ng headquarters at mga kampo ng NBP ang nasa 254.73 hektarya ng lupain, at ang 190 hektarya naman ay ginagamit ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa para sa socialized housing, BuCor farms, at ang iba ay inookupahan ng informal settlers.

Tungkol naman sa hukay, sinabi ni Catapang, na mayroon itong lawak na apat na hektarya na dating kinatatayuan ng mga puno.

Ang pinakamalalim pang bahagi ng hukay, aniya, ay nasa 30 metro (katumbas ng taas ng siyam na palapag na gusali).



Kagya’t naman itong inamin ni Bantag at sinabing ipinag-utos niya ang paghuhukay anim na buwan ang nakalilipas sa kanyang layunin na makagawa ng pinakamalalim na swimming pool sa Metro Manila.

Ang naturang swimming pool kung matatapos, aniya, ay gagamitin ng BuCor personnel na may hilig sa scuba diving tulad niya.

Sinabi naman ni Assistant Secretary Mico Clavano, tagapagsalita ng BuCor, na hindi nila alam ang tungkol dito at nagulat na lamang sila nang makita ang mga larawan nito.

Ayon kay Clavano, ipinag-utos na ni Catapang ang pagsasagawa ng imbestigasyon patungkol dito.

Samantala, dinepensa ni Bantag nitong Huwebes ang paglalagay ng swimming pool sa NBP.

Saad niya, para ito sa training ng mga tauhan ng NBP sa pagtugon sa sakuna.

“Kailangan pa rin namin knowledgeable para sa water rescue kasi any time magka-flood puwedeng gamitin. At gusto ko ituloy-tuloy ‘yung water na ‘yun sa scuba diving,” paliwanag ni Bantag.
Inihalimbawa ni Bantag noong warden pa siya sa Malabon City Jail, kung saan nasa 200 katao aniya sa kalapit na lugar ang nailigtas nila sa pananalasa ng bagyong Ondoy taon 2009.

Dagdag niya, walang ginastos ang gobyerno sa proyekto, at pinondohan ito ng kompanyang ATOM na may joint venture sa BuCor.

Kabilang, aniya, sa kasunduan ang pagdo-donate ng ATOM ng may 234 ektaryang lupa sa General Tinio kungsaan ililipat ang mga NBP facility.

“Zero ang gastos ng gobyerno doon. Ang kapalit noon, ang NBP ide-develop ng nag-donate ng 234 hectares at magiging business center ‘yan. At ang kikitain noon ay 35% para sa BuCor at 65% para sa developer,” saad niya.

Gayunpaman, ani Bantag, sinabi sa kanya ni Justice Secretary Boying Remulla na ayaw ni Pangulong Bongbong Marcos ang naturang proyekto.