Advertisers
ARESTADO ang isang ama na ilang ulit ginahasa ang sariling anak sa Iloilo City.
Kinilala ang suspek na si Antonino B. Abelita alyas Bartoloy, wanted sa pangre-rape sa kanyang anak ng 5 beses noong 2014, 2015 at 2018
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Dir. PNP AKG, 1:10 ng hapon nang madakip ng PNP AKG Visaya Field Unit ang suspek sa Balaban Road, Carles, Iloilo City.
Inaresto si Abelita sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape na ipinalabas ni Hon. Mila D. Yap-Camiso, Presiding Judge of RTC Branch 74, ng 6th Judicial Region, La Carlota City noong Sept. 27, 2019.
Nagtago ang suspek sa Iloilo City nang ipagharap ng reklamo ng sariling anak.
Sangkot rin ang suspek sa serye ng robbery, thief, drug at motor-napping sa area ng Negros Occidental at kalapit na mga lalawigan.
Nasa kustodiya na si Abelita ng Carles Municipal Police Station para sa booking procedure bago iharap sa korte na nagpalanas ng warrant arrest.(Mark Obleada)