Advertisers
NASAWI sa engkwentro ang isang lider ng New People’s Army (NPA) sa Negros Oriental.
Kinilala ni Philippine Army 3rd Infantry Division acting spokesman, Lt. Col. Magno Mapalad, ang nasawi na si Victor Baldonado alyas “Rudy”, 34 anyos, ng Barangay Trinidad, Guihulngan City.
Ayon sa ulat, kumander si Baldonado ng section guerrilla unit ng Central Negros 1, regional committee ng Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor, na nagpapatakbo sa tri-boundaries ng Guihulngan City, Canlaon City, Negros Oriental, at Moises Padilla sa Negros Occidental.
Isa rin ito sa higit limang rebeldeng NPA na nakaengkwentro ng tropa ng 62nd Infantry Battalion sa Sitio Banderahan, Barangay Trinidad.