Advertisers

Advertisers

Illegal quarrying malayo sa NBP compound – Bantag

0 144

Advertisers

IDINIPENSA ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag ang sinasabing illegal quarrying sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Bantag, malayo ang naturang paghuhukay sa compound ng NBP at hindi ito gagamitin para sa mga inmate.

Una nang sinabi ni Acting BuCor director general Gregorio Catapang Jr. na walang permit ang paghuhukay sa naturang tunnel.



Sinasabi rin na sinimulan ang naturang paghuhukay noong Setyembre 2021 at madalas daw may nakikitang tao doon na may dalang metal detector.

Lumabas pa ang mga balitang ang paghahanap sa “Yamashita treasure” ang dahilan ng paghuhukay na mayroong lalim na 30 metro sa lupain ng NBP.