Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Janice de Belen sa Wala Pa Kaming Title vlog, ikinwento niya ang malakas at masakit na sampal sa kanya ni Maricel Soriano sa isang eksena ng pelikulang pinagsamahan nila noong 1988, na Babaeng Hampaslupa. Gumanap sila rito bilang magkapatid.
“Nasubukan niyo na bang masampal ni Maricel Soriano?” sabi ng natatawang si Janice.
“May eksena kami sa Babaeng Hampaslupa. Kami ni Rowell Santiago, galit siya (Maricel).
“So talagang, alam mo ‘yung dalawa kayong nasampal sa isang sampal?” pagbabalik-tanaw pa ni Janice.
Ang eksenang sinasabi ni Janice ay nu’ng malaman ni Maricel na nabuntis ng dati niyang boyfriend na si Rowell ang karakter ni Janice.
Masakit para sa kanya na malaman na after ng relasyon nila ni Rowell, si Janice, na kanyang kapatid ang sumunod na minahal nito.
Ayon pa kay Janice, sobrang nadala si Maricel sa eksena na ang sampal nito sa kanya ay umabot kay Rowell.
“Kasi galit na galit siya! Kapag sumampal pa naman si Maria… kasi kahit maliit siya, she’s very strong..
“E, yung eksena niya galit na galit siya. So up na up yung energy niya.”
Sabi pa ni Janice, dalang-dala si Maricel sa eksena dahil nasaktan siya.
“Pero in fairness, wala kaming problema sa pag-iyak after noon kasi ang sakit.
“Pero may pula talaga sa mukha.”
***
BONGGA si Glaiza de Castro, huh! Hindi lang kasi sa ating bansa kinikilala ang husay niya sa pagganap kundi maging sa ibang bansa rin.
Kamakailan ay siya ang tinanghal na Best Actress sa 29th Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California, para sa pinagbidahan niyang pelikula na Liway.
O di ba, international Best Actress na si Glaiza?
Bukod kay Glaiza, nagwagi rin para sa pelikula sina Kenken Nuyad bilang Best Actor, Dominic Rocco bilang Best Supporting Actor, at Kip Oebanda bilang Best Director.
Nanalo rin ng Best Screenplay si Kip kasama ang Kapuso director na si Zig Dulay.
“After four years na nakatatanggap pa rin ‘yung Liway ng recognitions. Nakarating na kami ng States,” sabi ni Glaiza sa interview sa kanya sa 24 Oras.
Nasa kasagsagan ng shooting si Glaiza sa Canada nang mabalitaan niya ang kanyang pagkapanalo. Sa Toronto mismo binubuo ang naturang film project ni Glaiza, na collaboration ng isang Canadian group at ng Canadian government.
“Masaya kasi may mga kababayan tayo. Meron ding ibang people from like Russia. So ibang work ethics, sobrang efficient,” sabi ni Glaiza.