Advertisers

Advertisers

Sharon walang duda, Pabebe Queen; Sylvia nilaglag ang anak na si Ria

0 135

Advertisers

Ni BETH GELENA

MAY posted photo si Sylvia Sanchez na kuha sa kanilang tahanan kasama ang buo niyang pamilya with Zanjoe Marudo.
Komento nga ng netizens, nilaglag umano ng beteranang aktres ang anak na si Ria Atayde.
Pinasalamatan ni Sylvia ang actor sa oras na binigay ni Zanjoe para sila’y makasama.
Kamakailan sa isang interbyu sa beteranang aktres sinabi niyang sina Ria at Zanjoe are dating.
Sa Instagram page, makikitang nakaupo na magkatabi sina Ria at Zanjoe na naroroon din si Congressman Arjo Atayde.
Sa caption ni Ibyang, pinasalamatan niya ang aktor at ibig din daw niyang makilala pa nang husto ang rumored boyfriend ni Ria.
“Thank you for spending time with us Z @onlyzanjoemarudo. I’m looking forward to know you more.”
Komento ng netizens, “Yang mga unang paakbay akbay na ganern.”
“Namanhikan na ba si Z sa Atayde Family para hingin ang kamay ni Ri?”
“Awww! Infer sbi ni bea mabait si z. Sna sha na aunt ria!”
“Hahaha nilaglag ng mudra.”
***
DONNALYN UMALMA KAY XIAN
UMALMA si Donnalyn Bartolome sa post ni Xian Gaza tungkol sa umano’y mga babaeng may sugar daddy.
Sinagot ni Donnalyn ang post ni Xian tungkol sa umano’y mga babaeng nasa VIP table sa sikat na mga club.
Ayon sa Pambansang Marites, sa bawat story ng mga babaeng nasa VIP ay may sugar daddy.
Ani Bartolome, hindi dapat nilalahat dahil may mga babaeng kayang magbayad nang hindi umaasa sa sugar daddy. Nilinaw din ng aktres-singer-vlogger na hindi niya minamaliit ang mga babaeng gumagawa at humingi siya ng dispensa sa mga babaeng aniya ay nasaktan sa post ni Gaza.
Ayon pa kay Donnalyn, sa halip na insultuhin ang mga babaeng gumagawa nito, dapat daw ay i-encourage sila na maging good money earners.
Hindi rin umano niya nakikita ang sarili na mas angat sa mga babaeng may sugar daddy dahil hindi naman daw lahat ay nabibigyan ng magandang oportunidad.
Anyway, just an advice, imbes na i-down natin yung mga babaeng may sugar daddy, pwede natin sila i-encourage maging good money earners din like what I’m doing sa Sugar Baddie.
“I will never see myself superior to women who has Sugar Daddie’s just cause I’ve never done it, malawak isip ko lalo sa fact na other women weren’t given the same opportunity as me.”
Si Donnalyn ay isinilang sa Japan noong July 9, 1994.
Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer.
Kamakailan lang ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot nung kanyang kaarawan.
Honest mistake raw ang nangyari at wala umano siyang intensiyon na masama sa kanyang post. Matapos daw niyang mabasa ang mga saloobin ng netizens, naisip niyang may punto nga ang mga ito.
Agad na binura ni Bartolome ang pictures na kanyang pinost kasabay ng paghingi ng sorry.
Kaya ang ginawa niya ay “kanto style” birthday party na binahagi niya sa kanyang YouTube channel. Jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro ng Pinoy party games.
Ilan sa mga dumalo ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.
***
INAMIN ni Sharon Cuneta na nagkatampuhan sila ng mister na si Kiko Pangilinan nung may Concert Tour sila sa Amerika ni Regine Velasquez.
Sa bagong post ng Megastar, may dalawang picture silang mag-asawa na kanyang pinost.
Sa unang larawan ang caption niya ay, “Sige pagbutihin mo naybor para Sutart ka na uli after 6 months!”
Sa second pix ay eto ang nilagay niyang caption: “Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na.”
Komento ng isang netizen,”Tumi-teenager!”
“Si ate mega naman eh. Magbabalita lang, kulang pa.
Di pa sinabi dahilan ng LQ nila”
Oo nga naman Shawie nabitin tuloy kami.. hehehe”
“Siya talaga ang queen of pabebe hahaha”
“What you see is what you get kay mega. Pabebe talaga siya eversince pero so what!?”
“Ang tindi ng pag unawa, pasensya, mental fortitude at pisi ni Kiko. Ibang level as in.”
“Imagine if Sharon grew up in the 2000s. She’ll be worse than these jejemon influencer YouTube starlets parading her dirty laundry in public. It takes a lot of patience & understanding from Kiko to deal with her issues.”
“She didn’t say what caused it. So just stop bashing her. You don’t know the truth!”
“I applauded Kiko for staying and loving a person like Sharon.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More