Advertisers

Advertisers

Sen. Imee patuloy sa pagpapalaganap ng pagmamahal at kasiyahan

0 236

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PATULOY si Senadora Imee Marcos sa pagdiriwang ng kanyang birthday month sa pagpapalaganap ng pagmamahal at kaligayahan, mula Hilaga hanggang Timog.
At mapapanood ng kanyang mga tagahanga ang kanyang heartwarming escapades sa dalawang bagong vlogs na streaming sa kanyang official YouTube Channel ngayong weekend.
Ngayong Nobyembre 25 (Biyernes), panoorin ang walang kapagurang Senadora sa kanyang pagbisita sa Tarlac, Pampanga, at Pangasinan kung saan pinamahalaan ng #SuperAteNgPangulo ang pamimigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) financial aid ng DSWD habang pormal din niyang inilunsad ang kanyang Nutribun program na talaga namang pinag-uusapan ng lahat.
Maliban sa pamimigay ng enhanced Nutribun, namigay din ang Senadora ng maagang Pamaskong mga laruan at iba pang mga regalo para sa mga kabataan.
Sa Nobyembre 26 (Sabado), ipakikita naman ni Sen. Imee ang highlights ng pagbisita niya sa Bohol, Cebu, Negros, at Dumaguete kung saan pinamahalaan din niya ang pamimigay ng AICS mula sa DSWD na talagang kailangan ng lahat. Dito naman ay dinala niya ang Kadiwa – isa sa kanyang mga passion projects na maaaring mabili ang mga daily essentials sa napakamurang halaga. Nagbigay din sila ng enhanced Nutribun sa mga kabataan ng mga probinsya.
Samahan si Imee sa kanyang advocacy tours at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.
***
Philippine Plus Size Fashion Stream, kaabang-abang at makatuturan
ISANG kaabang-abang at makatuturang pagrampa ang magaganap sa Dec. 28, 2022 sa Okada Manila na pinamagatang Philippine Plus Size Fashion Stream… A Fine Night Christmas. Masasaksihan dito na hindi balakid ang timbang o size para gawin ang gusto nila at magkaroon ng kakaibang confidence sa sarili.
Ito ay idea ni Ms. Josefine L. Diolata, isang 40 year old single mom, na siyang Head Organizer nito. Ang oginal plan nito ay last 2021 pa, pero dahil sa pandemic, naisakatuparan ito noong October 2022. Kabalikat ng proyektong ito sina Ms.Koko Lagunzad bilang Marketing Head at Finance Head na si Ms. Steffi Macam. Ito’y hatid ng K & Co. Events at pamamahalaan ng actor & TV director na si Ricky Rivero.
Ang 14 Plus Size Models ay binubuo nina Christine Cruz, Shyramae Cortal, Mutya Lopez, Elezze Geoca, Leigh Cinco, Hazel Conde, May Cruz, Lee Paguta, Swen Koffa, Mariam Fouad Khalil, Denice Elizalde, Ria Abril, Arabella David, at Rocy Arcon Cajandab.
Layunin ng Philippine Plus Size Fashion Stream na tumulong sa mga kababaihang may karamdaman sa ovaries, uterus, at breast cancer dahil sa pagiging obese o mataba.