Advertisers

Advertisers

Senior citizen inatake sa puso sa kalsada; naiwang bag may P80k, isinauli sa pamilya

0 35

Advertisers

Itinakbo sa ospital ng pulisya ng Valenzuela City ang 65-anyos na lalaki nang atakihin sa puso sa kalsada sa McArthur Highway, Barangay Marulas, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, habang nagpapatrolya sa lugar sina PCpl Jurrel Campanero at Pat Arjay Maranan, pawang nakatalaga sa patrol base (PB) – 3 na pinamumunuan ni PCpt Manuel Cristobal, nakatanggap sila ng tawag sa ‘radyo’ tungkol sa insidente. Kaagad nila itong tinungo at inabutang walang malay na nakahandusay sa kalsada ang matanda.

Mabilis na naihatid sa Fatima Medical Center, pinakamalapit na ospital sa lugar, ang pasyente.
Matapos maihatid, napansin ng dalawang pulis na naiwan sa kanilang mobile patrol ang bag ng matanda.



“Binuksan po namin ito para makita na din po namin kung may contact number o address ng pamilya na pwedeng matawagan,” pahayag ni PCpl Campanero.

Hindi lamang numero ng pamilya ang nakita ng mga pulis sa bag, kundi pati ang perang laman nito.



Positibo namang nakausap ang pamilya ng matanda at naibalik ang bag. Matapos maibalik, napag-alaman na nagkakahalaga ng P80,000 ang perang nasa loob ng bag.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">