Advertisers

Advertisers

Bebot patay sa saksak ng bgy. kagawad

0 5

Advertisers

Patay ang isang 37-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng 47-anyos na barangay kagawad sa loob ng Edsan Compound, Barangay Manuyo Dos, noong Lunes ng gabi, Abril 20.
Ayon sa live-in partner ng biktima, naihatid niya ang babae sa naturang lugar ilang oras bago ang insidente.
Base sa pulisya, nagtamo ng walong saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Kinumpirma ni Col. Wilson Delos Santos, hepe ng Las Piñas City Police, na sumuko sa mga awtoridad ang suspek at narekober mula sa kanya ang dalawang kutsilyong ginamit umano sa krimen. Ang suspek ay isang barangay kagawad ng Manuyo Dos.
“Ang atin pong suspect ay isang elected official at nakakalungkot na ma-involve siya sa ganitong bagay, pero nahuli naman natin ‘yung suspect at naka-detain siya ngayon,” paha-yag ni Delos Santos.
Tinitingnan ng pulisya ang selos bilang posibleng motibo sa insidente.
Iginiit ng live-in partner ng biktima na dati nang nai-report sa pulisya ang suspek dahil sa umano’y pangungulit sa babae. Naniniwala rin ang pamilya na pinagplanuhan ang krimen dahil sa dami ng saksak na tinamo ng biktima.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong murder.