Advertisers
Ang dalawang pulis na ngayo’y paksa ng socmed bashings at making sa usap-usapan ng kain-kanilang hepe sa Metro Manila: isa itong pulis driver ng PNP van o coaster na nag-viral sa internet na pumul-out sa heavy traffic sa Edsa at nakagip ng passenger bus sa designated yellow lane at pangalawa itong nakasibilyan pulis na lulan ng motorsiklo at pilit na isiningit ang kanyang motor sa kakiputan ng eskinita kung saan ang rumurespondeng civilian volunteer firetruck ay naging inutile dahil “sa kawalang-alam at sigang pulis” na tipong amoy alak pa ayon sa mga nakakita sa lugar ng sunog.
Ang PNPA at mga training center nito ang hubugan ng disiplina, doktrina at kasanayan ng mga bagong pulis…dito’y di lang paghawag ng baril, pakikitungo sa publiko, at pagiimbestiga sa lugar ng krimen ang itinuturo sa mga recruit prior to deployment to their assigned units. Nuong ako ay Chief, Civilian Training Offr sa PC INP Education And Training (C8 Div) sa ilalim ng liderato ng namayapang BGen Laurel Valdez (PMA class 63) isa ang pagbubuo ng training syllabus at training module sa mga pangangailang aming binalangkas. Si dating Colonel Roger Pureza ng INP, si dating PC Colonel Rodolfo “Rock” Tor ng PMA class 72, sina PC Col Ernie Belen, Col Rommel Heredia, PC Capt Napenas ng nitong huling mga taon ay naging PNP SAF…sila ang naghimay ng mga paksang matutunan sa PNPA at sa mga training center mula ng taong nabuhay ang premier police academy na ito.
Ang PNP ay nakatuon an atensyon ngayon sa pulis…na kung hindi salat sa kaalaman ay baka sadyang nagmamatigas dahil “me kapangyarihan” na sila?!!
Gen Jojo Nartatez, its your ball! The 3 Camp Crame gates are wide open for these opportunists who deserve nothing less.