Advertisers
Sinagip ang 16-anyos na lalaki ng pulis ng Valenzuela mula sa tiyak na kamatayan nang tumalon sa Tullahan River, Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City, Biyernes.
Kinilala ni PCol. Gerson Bisayas, hepe ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang lalaki na si alyas “Migs”, estudyante, residente ng Tullahan Road, Sta. Quiteria, Caloocan City.
Sa ulat, nagpapatrolya sa lugar sina PSSg Alvaro Vargas Jr, at Pat Crizald Kevin Flores, nakatanggap sila ng tawag mula sa Station Tactical Operation Center (STOC) ng Valenzuela City Police Station (VCPS) tungkol sa insidente.
Pagdating sa lugar, kaagad tumalon sa ilog ang pulis nang makita niyang lumalangoy palayo si Migs hanggang inabutan niya ito at pinagtulungang maiahon at dinala sa police station na nasa Gen T de Leon 3S Center si Migs.
Matapos maisaayos at kausapin, dinala ng pulisya sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) si Migs kasama ang ama nito upang sumailalim sa counseling at iba pang pangangailangan ng bata.(Beth Samson)