Advertisers

Advertisers

3 TULAK, KALABOSO SA BARIL AT DROGA SA MONTALBAN!

0 19

Advertisers

ARESTADO sa buybust operation ang tatlong (3) umano’y tulak ng mahulihan ito ng milyong halagan ng droga at baril sa Daang Tubo-2, Brgy., Burgos, Montalban Rizal.

Sa ulat ni P/Lt. Gerry Cordero chief ng Drug Enforcement Team/Intelligence, kinilala ang mga nadakip na sina Joselito Custodio y Santos, Charlie Guillermo at Mary Joy Maico, kapwa ng Daang Tubo sa lugar.

Dakong ika-10 ng gabi nagsagawa ng buybust operation sa Daang Tubo-2 ang mga operatiba.

At9n kay P/Ssgt. Paul Joseph Cruz, narekober sa mga suspek ang 172 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,169,600.00, buybust money, P700.00 cash at weighing scale.

Bukod sa droga, nakumpiska din kay Custodio alyas ” Didog” umano’y high value indibidwal ang isang kalibre. 22 na baril at 2 bala.

Hawak na ng Rizal Provincial Forensic Unit ang mga suspek para isailalim sa drugtest habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay isailalim naman sa forensic examnination.

Si Custodio ay nahaharap sa kasong illegal position of firearms o RA10591 bukod pa ang kasong paglabag ng mga ito sa RA9165s3ction 5 and 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002. (Edwin Moreno)