Advertisers
Ang dami ng natawa at nainis, at nagalit, paano puro pambubudol at kabulastugan ang pinaggagawa ni Speaker Martin Romualdez — na tinanggap na rin niya marahil ang pakutyang palayaw sa kanya na Tambaloslos at Martin King Looter.
Nitong nakaraang eleksiyon, dahil alam niya na galit sa kanya ang mga kababayan, kung ano’ng magic, nagawa niyang ipa-disqualify ang kalaban kaya tumakbong unopposed.
Sa kabila ng kanyang nakapandidiring panalo, ngayon ay ligalig si Martin, kasi nga maugong ang usap-usapan na baka siya ay mapalitan — na dapat lamang naman, at ito ang mga dahilan.
Kaya matindi ang pagbatikos ngayon kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. , gawa nitong si Romualdez na ang isa pang bansag ay Romuwaldas, ay, nasa Supreme Court pa ang petisyon tungkol sa sinasabing “The most corrupt budget” na ipinasa ng House.
At kaya maraming controversy sa impeachment complaint vs VP Sara Duterte, kasi ora-orada, sabi ay maraming kulang at mali ang Articles of Impeachment, kaya nga ibinalik ng Senado para ikorek at i-certify na dumaan sa due process.
Abogado raw itong si Speaker, pero parang walang alam kungdi ang maglustay ng pera ng bayan.
At marami pa ang nagsasabi, si Martin ang sobrang kupal at kapal na feeling president. Isipin — madalas makipagmiting sa top officials ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), e tungkulin iyon ni PBBM, pero si Tambaloslos, may video pa na nagpa-parade in review sa mga heneral ng military, so ambisyoso.
Hindi niya sinasagot ang dokumentadong isyu tungkol sa “Heavy Luggage” na umano e may lamang… alam na natin… kung ano, na bigay raw ng mga taga Okoda Hotel.
Lahat ng ito ay dahilan kaya bagsak pa rin ang trust rating ni PBBM, gawa ng mga kabulastugan ni Romuwaldas, at siya ang pinakamalaking hadlang sa panawagan ng Pangulo na unity, pagkakaisa para mapagaang ang buhay ng mamamayang Pilipino.
Mas inintindi ni King Looter ang pamomolitika, kaya ngayon ang Kamara, hating-hati, at kay Tambaloslos din maisisisi kaya maraming Alyansa senatorial candidates ang nahulog sa inodoro.
Paano nga, yung mga komite sa Kamara na si Romuwaldas ang nagpasimuno ay hindi ginawa para gumawa ng mga batas para maresolba ang maraming problema sa kahirapan, trabaho at hanapbuhay.
Sa 2025 national budget, inalis ang pondo sa infrastructure, inalis ang sa Philhealth, binawasan ang AFP modernization, at pinalobo lang ang port barrel ng mga lawmakers, at kita naman, pansarili lamang ang inaatupag ng Kamara.
Sa pamomolitika, hindi nagagawa ang priority bills ni PBBM na nais niyang maipatupad upang ang mga ipinangako noong eleksyon ay matupad.
Ang budget manipulation, insertions, ang drama sa impeachment at iba pang kabalbalan ng Kamara sa pamumuno ni Tambaloslos ay hindi nakatulong sa bansa, lalo pang nagpasama sa pangalan ng Pangulo.
Sa mga announcement ni Romuwaldas, puro pabida, puro pambobola, at ano ang tingin niya sa madlang pipol, bobo, at estupido!
Bumabaha ang PR’s niya na maganda raw ang tiwala ng taumbayan sa kanyang pamamahala sa House — na ang intensiyon ay akitin ang taumbayan na suportahan siya sa 2028 presidential elections.
Atat na atat si Tambaloslos na ngayon, nagbubuo na ng isang alyansa sa halip na tumulong sa mga programa ng kanyang pinsang si PBBM.
Habang si PBBM ay abala sa pagpapabuti sa ekomya, krisis sa kagutuman, kalamidad, inflation at kriminalidad, ilegal na droga, ano ang inaatupag ni King Looter?
Hanggang nasa Kamara si Tambaloslos bilang Speaker, walang mangyayari sa ating bansa, at ilulubog niya sa kahihiyan ang Pangulo.
Kailangan na, ngayon din, mapalitan na si Romuwaldas bilang Speaker.
Kailangan ng bagong pinuno ng Kamara ngayon upang mapaganda ang takbo ng lehislatura.
Si Tambaloslos ang kalbaryo, ang krus na pinapasan ng administrasyong ito, at panahon na, ngayon na ang pagkilos upang siya ay mapalitan.
Sa matitinong kongresista, at alam natin, maramu kayo riyan, ngayon nyo ipakita ang inyong pagiging Makabayan, makatao at maka-Diyos.
Sibakin na, ibasura na ang ambisyosong Speaker na si King Looter at palitan siya ng bago, matinong lider na tutulong kay PBBM sa huling tatlong niya sa Malakanyang.
Layas, tsupi ka na, Tambaloslos!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.