PASAHERONG PINAY, PINIGIL SA NAIA 3 SA TANGKANG PAGPUSLIT PALABAS NG BANSA NG P1.2-M CASH
Advertisers
ISANG 61-anyos na Pilipina ang pinigil ng mga awtoridad sa tangkang pagpuslit papalabas ng bansa ng P1.2 million cash, na isang paglabag sa itinatakda ng mga regulasyon ng Section 117 at Section 1113 ng CMTA kaugnay ng BSP Circular No. 1146.
Ang matagumpay na operasyon ay naisagawa ng magkasanib na operatiba ng Bureau of Customs-NAIA sa ilalim ni NAIA Disrict Collector Alexandra-Yap Lumontad at deputy collector for passenger services Dr. Mark Jhon Almase at ng PNP-AVSEGROUP na pinamumunuan ni PBGen Jason Capoy bilang direktor nito.
Ayon sa ulat, nitong July 12 2025 dakong 1:40 a.m., ang babaeng pasahero na galing ng Nueva Ecija at patungong Hongkong via UO517 ay ini-refer sa BOC-NAIA para sa verification matapos makitaan ang kanyang trolley bag ng mga ‘suspicious images’ ng posibleng currencies nang dumaan ito sa x-ray inspection.Nangyari ito sa Baggage Build-Up Area, Station 3, NAIA Terminal 3, Pasay City.
Nang i-scan ng Customs examiner ang kanyang QR code, natuklasan na hindi ito nagdeklara ukol sa kanyang dalang cash.
Matapos ang koordinasyon sa PNP-AVSEGROUP, magkakasamang isinagawa ng mga awtoridad ang isang manual inspection ng kanyang bag ang nasabing cash at dahil diyan ay inimbitahan siya sa coordination center room para sa verification at pagbibilang ng perang natagpuan sa kanyang bag.
Matapos nito ay ipinaliwagan sa kanya ng Customs examiner na dapat ay mayroon siyang ‘prior authorization’ mula sa BSP upang makapagdala ng higit sa P50,000 kung hindi ay kinakailangang kumpiskahin ang anumang halaga na sobra dito.
Siya ay inisyuhan ng Baggage Receipt Number 00100013397 para sa kinumpiskang halaga na nai-turn over naman kay Jonathan Mesa ng Baggage Assistance Division para sa safekeeping.
Inirekomenda din ng Customs examiner ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention.
Ang cash at pasahero ay inilagay sa kustodiya ng BOC-NAIA para sa serial number identification at imbestigasyon.
“This incident reflects the strong coordination and alertness of our security forces. AVSEGROUP remains committed to ensuring safe and secure airport operations at all times,” ani AVSEGROUP Director Capoy. (JERRY S. TAN)