Advertisers

Advertisers

VVINK banta sa BINI

0 31

Advertisers

Ni Archie Liao

MAY bagong banta sa kasikatan ng all-girl group na BINI.

Ito ay walang iba kundi ang VVINK, isang 5-member P-pop girl group na binubuo ng mga bata, progresibo at talentadong Pinay.

Ang VVINK ay sumisimbolo sa double victory.

Hindi lang ito konsepto kundi kumakatawan sa grupo ng mga kababaihang bukod sa nag-uumapaw sa talento ay punung-puno ng puso, katapatan at kakaibang istilo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Sila ay binubuo nina Angelika, isang songwriter at lider ng grupo, Jean, ang main vocalist na isa ring epektibong storyteller, Ayaka, ang main rapper na Fil-Jap maknae o youngest member, Odri, ang main dancer at Mariel, ang all-rounder.

Kamakailan lang ay ni-launch ang kanilang debut single na “Tulala.”

Naging tampok din ang 5-member girl band sa “VVINK:The Pre-Debut Album” kung saan kabilang ang kanilang solo tracks.

Ayon pa kina Jeli Mateo, CEO ng Flip Music at Jumbo De Belen at Mike Cochada na producers na nag-compose ng “Tulala”, ang VVINK ay katumbas ng women empowerment.