Advertisers

Advertisers

Jodi Sta. Maria aminadong nagbago ang relasyon nila ng anak na si Thirdy

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Aminado si Jodi Sta. Maria na malaki ang naging pagbabago ng relasyon nila ng anak na si Thirdy Lacson sa guesting nito sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Aniya, noon ay lubos itong umaasa sa kanya, ngunit ngayon ay nasa yugto na ito ng pagiging mas independent habang nag-aaral sa kolehiyo at hinahanap ang sariling direksyon sa buhay.

“Nasa stage na siya na hinahanap niya ang sarili niyang landas… pero nananatiling matibay ang ugnayan namin bilang nanay at anak,” kwento ng aktres.

At ang pinag-uusapan na umano nila ngayon ay madalas tungkol sa buhay, goals, at mahahalagang desisyon.

“Kapag sinabi niyang ‘Mama, gawa tayo ng pizza,’ alam ko na may mabigat siyang gustong ilabas habang nagkukuwento kami,” pag-amin ng aktres.

Si Thirdy ay anak ni Jodi Sta. Maria sa dating asawa na si Pampi Lacson.