Advertisers

Advertisers

Salamat Kina Usec Robert Torres Rivera at Nerlisa Elyza Francisco Rivera

0 9

Advertisers

Ni ni Oggie Medina

Noong Abril 20 ay naging panauhin ako sa programang Pilipinas Ngayon Na! ng DWIZ. Ito’y kinatatampukan ng mag-asawang dating Press Undersecretary Robert Torres Rivera at Nerlisa Elyza Francisco Rivera. Sila ay awardees ng 4th Philippines Finest Business Awards and Outstanding Achievers.

Napag-usapan namin sa programa na “Sa lahat ng napuntahan mong bansa, anong story iyong pinaka-nagbago ng perspective mo sa buhay?”

Napag-usapan din namin kung “Paano ka nagiging matapang mag-report ng totoo kahit minsan delikado o may pressure from powerful people?“

Gayundin ang mga tanong na “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng news online, paano mo sinisigurado na tama pa rin ang information na binibigay mo?” at “Sa tingin mo, anong importanteng issue sa mundo ngayon ang hindi masyadong napapansin ng media?”

Naungkat din ang tungkol sa angkop na dress code, peace journalism, science journalism na hindi hustong nabibigyan-pansin sa Pilipinas at mental health awareness.

Sa panghuli ay napag-usapan ang mga payo sa mga kabataan na gustong maging journalist someday para hindi sila matakot magkwento ng katotohanan.

So, be objective, practice fairness and maintain one’s integrity.

Photo caption 1: (mula sa kaliwa) Nerlisa Elyza Francisco Rivera, Oggie Medina at Usec. Robert Torres Rivera.