Advertisers

Advertisers

Jillian Ward ikinagulat ang pool scene kay David Licauco

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Ikinagulat ng Kapuso actress na si Jillian Ward ang isang hindi inaasahang eksena nila ni David Licauco sa pool para sa GMA action-drama series na Never Say Die.

Ayon sa aktres, may nauna silang napagkasunduang mas ligtas at kontroladong bersyon ng eksena, ngunit iba ang naging kinalabasan sa actual shoot.

“Totoo po, nagulat ako. Sabi ko, dayain na lang natin, parang kunwari nalulunod lang ako,” pahayag ni Jillian.

Gayunman, mas naging intense ang eksena nang bigla umanong isagawa ni David Licauco ang mas real na aksyon, kung saan sabay silang napunta sa tubig, na hindi inaasahan ng aktres.

“Ginawa niya po talaga, dinamay niya ako sa pagtalon niya,” dagdag pa ni Jillian.

Sa kabila ng pagkagulat, naging matagumpay naman ang eksena para sa serye, na kilala sa mas action-packed at dramatic na mga tagpo.

Mapapanood ang Never Say Die Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, na may replay tuwing 10:30 p.m. sa GTV.