Advertisers

Advertisers

Phil Online Library digitizing books inihain sa Kamara

0 117

Advertisers

Sinusulong sa kamara ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng Philippine Online Library na maglalaman digitized na kopya ng lahat ng mga text book at mga sangguniang aklat na kailangan para sa mga pampublikong edukasyon ng sekondarya at elementaryang mag-aaral.

Base sa house Bill no. 1582 o ang Philippine Online Library Act na ipinanukala nina Tingog Party List Rep. Yedda Marie K Romualdez at Rep. Jude A. Acidre ang Department of Education (DepEd) at ang Department of Information and Communication Technology (DICT) ang siyang mamamahala ng online library.

“This bill seeks to establish the Philippine Online Library and mandate the digitalizing of all textbooks necessary for the public education of elementary and secondary students to ensure access to availability of learning materials and references” ani nina Romualdez at Acidre



“The Covid-19 pandemic has manifested the significance of the digital technology, specially in the lives of children serving as an important tool for their education, socialization, expression and inclusion School shifted to online learning and offices and workplaces move to remote work” dagdag pa ng dalawang Mambabatas.

Nakapaloob sa Section 4 na nag-aantas sa DepEd na tiyakin ang access sa mga digitalized na kopya ng mga textbooks sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga computer, laptop o naaangkop na gamit sa lahat ng elementarya at high school sa pampublikong paaralan sa buong bansa.

Ayon pa kina Rep. Romualdez at Acidre, upang matiyak ang access sa mga digitized na kopya ng mga textbook ang DICT at dapat magbigay ng mabilis at maasahang internet connection sa bawat pampublikong paaralan mula elementarya at high school.

Ang dalawang Mambabatas na sina Acidre at Romualdez ay nagmungkahi ng paunang P500 milyon na pondo para sa programa kung saan ang taunang P100 milyon ay iminungkahi na isama sa taunang budyet ng DepEd upang matiyak na ang kagamitan at mga internet lines ng mga pampublikong paaralan para sa layunin ng panukala ay magiging nananatili. (Cesar Barquilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">