Advertisers
Kasunod ng kanilang pagbisita sa Sta. Maria sa karatig lalawigan ng Davao Occidental nang personal na magsagawa ng relief operation sa mga biktima ng baha, tumuloy sina Senators Christopher “Bong” Go at Robinhood Padilla sa Matanao, Davao del Sur upang inspeksyon ang Super Health Center sa bayan.
Ang Super Health Center ay isa sa inisyatiba ni Go kasama ang Department of Health upang palakasin ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa, partikular sa malalayong lugar.
Inisyatiba ni Go ang pagpopondo para sa pagpapatayo ng 307 naturang center sa buong bansa, kabilang ang sa Matanao.
Bilang tagapangulo ng Senate committee on health and Demography ay nagsulong sa pagtatayo ng mga pasilidad pangkalusugan na ito, binigyang-diin ng senador na mas maraming Pilipino ang dapat magkaroon ng access sa mga de-kalidad na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.
“Nasa strategic areas po siya nakalagay para hindi na po nila kailangan bumiyahe kapag may emergency cases. Meron na po silang sariling rural healthcare station. Pinangarap kong maisakatuparan ito at finally po nag-groundbreaking tayo,” ani Go.
Matapos ang inspeksyon, nakiisa sina Go at Padilla sa inagurasyon ng isang multipurpose building at pinangunahan din nila ang relief activity para sa mga nahihirapang residente ng bayan.
Namahagi si Go at ang kanyang mga tauhan ng mga grocery pack, bitamina, masks, kamiseta at pagkain sa 500 residente. Namigay din ang senador ng sapatos, bisikleta, cellular phone, relo, payong, at bola para sa basketball at volleyball sa mga piling benepisyaryo.
“Ako (at) si Robin ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan ninyo kami ng pagkakataon na makapagserbisyo sa inyo. Puso sa puso ang pagpapasalamat namin sa inyong lahat. At handa kaming magserbisyo sa inyong lahat sa abot ng aming makakaya. Ako, tao lang rin ako na napapagod. Pero kapag nakikita ko kayo na masaya at ngumingiti, nawawala ang aming pagkapagod,” pahayag ni Go.
Namahagi naman ang Department of Social Welfare and Development ng tulong pinansyal sa mga naghihirap na residente sa bayan sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.
Hinimok din ng senador ang mga benepisyaryo na makipag-ugnayan sa kanyang opisina o bumisita sa kalapit na Malasakit Centers sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City o sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
Ang programa ng Malasakit Centers ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463 na iniakda at itinaguyod ni Go sa Senado.
“Mayroon naman tayong 153 Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa inyo. Sa SPMC, may Malasakit Center doon. Kahit na taga-Matanao kayo, pwede kayong lumapit doon sa SPMC, tutulungan kayo,” idiniin ni Go.
Noong Nobyembre 26, personal ding binisita ni Go ang bayan ng Malalag at nagbigay ng tulong sa mas maraming biktima ng baha.