Advertisers

Advertisers

P2M puslit na yosi, nakumpiska sa Zambo

0 123

Advertisers

HIGIT P2 milyon halaga ng mga puslit na sigarilyo ang nakumpiska sa tatlong kalalakihan sa isinagawang anti-smuggling operation noong Linggo sa Zamboanga city.

Kinilala ni Brig. Gen. Neil Alinsañgan, Police Regional Office-Zamboanga Peninsula (PRO-9) director, ang mga nadakip na sina Jaybert Napolereyes, Jason Magsayo at Alphine Manood.

Sa report ng Zamboanga City-PNP, 4:45 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa isang pribadong pantalan sa Barangay Baliwasan ng nasabing lungsod.



Ayon kay Alinsañgan, walang maipakitang dokumento ang tatlo habang binabantayan ang mga nakaimbak na sigarilyo sa loob ng pribadong pantalan.

Nakuha sa mga ito ang 58 pirasong malaking kahaon ng sigarilyo na may pangalang brand “Lando” na aabot sa halagang P2,030,000.00.

Itinurn-over na ang mga tatlong suspek at mga kontrabando sa kostudiya ng Bureau of Customs (BoC).

Sa magkakasunod na operasyon ng mga awtoridad sa buwang ito umabot na sa P52.8M halaga ng illegal na sigarilyo ang mga nakumpiska ng mga awtoridad sa baybaying sakop ng Barangay Labuan, Zamboanga.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">