Advertisers

Advertisers

Graduating stude, nakitang patay sa mini dam

0 171

Advertisers

Patay na nang makita at lumulutang sa mini dam ang 22 anyos na babaeng graduating student sa Bugallon, Pangasinan.

Sa ulat, Sabado ng gabi nang magpaalam sa kaniyang pamilya ang biktimang itinago sa pangalang “Marlyn,” na makikipagkita sa kaniyang mga kaibigan.

Pinayagan naman ang biktima at mayroon umanong lalaking nakasakay sa motorsiklo na sumundo rito.



Pero hindi na nakauwi ang biktima hanggang sa makita ang kaniyang bangkay na nakalutang sa naturang mini dam.

Hinihinalang ginahasa ang biktima dahil wala itong saplot pang-ibaba nang matagpuan.

Isinailalim sa awtopsiya ang biktima upang alamin ang dahilan ng pagkamatay at kung talagang hinalay ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na nakipag-inuman umano ang biktima sa mga kaibigan bago nakita ang kaniyang bangkay.

Ipinatawag na ang mga kaibigan ng biktima, maging ang lalaki na itinuturing “person of interest’ na sinasabing maghahatid sana sa biktima pauwi ng bahay.



Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad.