Advertisers
Sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo nang magbanggaan sa harap ng isang Music Lounge sa Barangay Bancao- Bancao Puerto Princesa City, Lunes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Melvin Cola Tanio, 31 anyos; habang ang dalawang angkas nito na sina Marcelo Bacalla 39; at isang alyas CJ Camacho.
Kinilala ang nakabangga na si Andrew Fuentes, nasa hustong gulang, at drayber ng Suzuki Smash.
Sa imbestigasyon ng PNP, binabaybay nina Melvin ang Rizal Avenue mula sa Junction 1 patungo sa Brgy. Bancao-bancao habang kasalubong nila si Andrew.
Ayon sa nakasaksi sa aksidente, napansin umano niyang pagiwang-giwang ito bago pumasok sa linya ng kasalubong at nagbanggaan.