Advertisers

Advertisers

Bong Go 2 araw namigay ng ayuda sa Zamboanga del Norte

0 214

Advertisers

Kaugnay ng mga ulat na paglaganap ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa, pinaalalahanan ni Senator Christopher “Bong” Go ang publiko na huwag luwagan ang kanilang pagbabantay habang nagpapatuloy ang paglaban sa COVID-19.

Sa kanyang video message sa dalawang araw na relief operation sa Labason, Zamboanga del Norte, sinabi ni Go sa mga residente na manatiling nakikipagtulungan sa mga pagsisikap ng gobyerno laban sa pandemya.

“Sa mga kababayan ko, kaunting tiis lamang po. Alam kong napakahirap pa rin ng panahon ngayon pero huwag po kayong mawawalan ng pag-asa. Ngayon po na may naiuulat na bagong variant ng COVID-19, gusto ko pong ipaalala ulit na magpabakuna na po kayo kung di pa kayo bakunado,” giit ni Go.



“Hindi po kaya mag-isa ng gobyerno ito. Kailangan namin ng patuloy na disiplina at kooperasyon upang malampasan pa natin itong krisis na ating kinakaharap,” dagdag niya.
Idinaos sa municipal gymnasium, ang pangkat ng senador ay namahagi ng mga meryenda, kamiseta, at bitamina sa 1,666 na naghihirap na residente.

Nakatanggap din ang mga piling benepisyaryo ng mga bisikleta, computer tablet, sapatos, payong, at bola para sa basketball at volleyball.

Ang isang pangkat mula sa Department of Social Welfare and Development ay nagpaabot din ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Nagsisilbi bilang tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography, si Go ay nakatuon sa pagpapabuti ng sistema ng pangangalaga sa kalusugan ng bansa.

Hinikayat ni Go ang mga residente na bisitahin ang Jose Rizal Memorial Hospital sa Dapitan City o Zamboanga del Norte Medical Center sa Dipolog City kung saan mayroong Malasakit Centers na madaling mapuntahan upang tumulong sa kanilang mga gastusin na may kinalaman sa medikal.



Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop na idinisenyo para sa mga mahihirap na pasyente. Ang programa ay na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463 na pangunahing inakda at itinataguyod ni Go sa Senado. Sa kasalukuyan, mayroong 153 na itinatag na mga sentro na nakatulong sa milyun-milyong Pilipino sa buong bansa.

“Ang Malasakit Center ay tutulungan ho kayo hanggang maging zero balance po ang inyong billing. Malasakit Center para po ‘yan sa mahihirap at indigent patients, para po ‘yan sa Pilipino. Lapitan n’yo lang po ang Malasakit Center na malapit na po diyan sa inyong lugar,” ani Go.