Advertisers
NAGSALITA na nitong Miyerkules ang 8-division world boxing champion at dating senador na si Manny Pacquio tungkol sa akusasyong dinaya ng reperi na Pinoy ang kanyang panalo laban kay Australian fighter Nedal Hussein sa laban nila noong 2000.
Nagreak si Pacquiao sa alegasyon ng retiradong reperi na si Carlos Padilla, ang nag-reperi sa laban nila ni Hussien sa Manila, na tinulungan nito ang kanyang kababayan para manalo sa pamamagitan ng pagpatagal sa standard 10-count nang bumagsak si Pacquiao at mahilo sa 4th round.
“Hindi man daya. Pinaburan lang tayo, pabor lang siguro syempre home court. As a boxer ginawa ko lang naman yung tama,” sabi ni Pacquiao habang nagte-training sa General Santos City.
“Ako naman boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung trabaho ko sa taas ng ring. That’s his problem, not mine,” sabi ng bosingerong politiko patungkol sa “expose” ni Padilla.
Sabi naman ni Buboy Fernandez, ang matagal nang confidante at trainer ni Pacquiao, ang nangyari ay gawa ni Padilla, hindi kanila.
“Alam naman ng tao kung sino may kasalanan diyan,” diin ni Fernandez.
“Kaya naman kami sa team namin wala kaming comment. Alam niya naman eh, siya naman ang referee.”