Advertisers
Simula nang ilunsad ang DENGVAXIA VACCINATIONS noong 2016 na makaraan ang ilang araw ay dumami na ang nagsidanas ng masamang epekto at mala-tortyur na kamatayan sa mga batang nabakunahan ay patuloy hanggang ngayon ang kanilang mga magulang sa paghahanap ng KATARUNGAN na tanging PAG-ASA na lamang nila ay ang sinserong pag-asiste.ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) para sa mga ebidensiyang ihaharap sa KATARUNGANG-SILID.
Gayunman, sa pagsikad ng panahon ay tila nilalabo naman ng mga INFLUENTIAL GOVERNMENT OFFICIAL ang pinababagal na paglilitis upang lituhin ang pananaw ng sambayanan sa estratehiyang binabasag ang imahe ng PAO upang ang sambayanan ay mawalan ng pagtitiwala sa ahensiyang nalalapitan ng karamihang naghahangad ng hustisya subalit salat naman sa salapi.
Ang isang mapanlinlang na estratehiya ngayon ng mga nasasangkot sa DENGVAXIA CONTROVERSY ay pinalilitaw na pinupuntirya raw o hinihiling daw ng PAO na sila na ang hahawak ng PROSECUTION o sa madaling salita ay ang PAO ang mangangasiwa ng paglilitis para sa mga kaso ng DENGVAXIA.
Sa mga nakakaalam ng batas ay mapapailing na lamang sa gayong konteksto.., kasi po, walang mandato ang PAO para magsagawa ng paglilitis at hinding hindi ito gagawin ng PAO sa pangunguna ni CHIEF ATTY. PERSIDA ACOSTA.., dahil ang papel ng PAO ay mag-asiste sa mga taong naghahanap ng KATARUNGAN sa legal na proseso at yan ay sa pamamagitan ng pagdulog sa TRIAL COURT.
Ang pinalulutang ngayon ng mga nasasangkot sa DENGVAXIA CASE ay hinihiling daw ng PAO na sila na ang mangangasiwa ng paglilitis.., na ito ay isang pagliligaw upang mabasag ang imahe ng PAO at ito ang maging TALK OF THE COUNTRY.., sa gayon ay mawala ang pagtutok sa mga nasasangkot sa kaso tulad nina dating DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III at dating DOH SEC at ngayo’y ILOILO REPRESENTATIVE JANETTE GARIN.
Kamakailan kasi mga ka-ARYA, ang mga magulang ng mga batang nasawi sa DENGVAXIA VACCINATIONS sa asiste ng PAO ay nanawagan kay PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. na ang isang naitalagang UNDERSECTETARY sa DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) na si HON. JESSE HERMOGENES T. ANDRES ay mag-INHIBIT sa posisyong iniatang sa kaniya ni JUSTICE SECRETARY JESUS CRISPIN REMULLA para i-supervise ang NATIONAL PROSECUTION ng DENGVAXIA CASES dahil sa CONFLICT OF INTEREST…., na siyang tunay at pagdududahan ang kaniyang integridad, kasi nga po bago siya naitalagang DOJ USEC ay kliyente niya si REP. GARIN sa DENGVAXIA CASE.
Sa itinatakbo ng kontrobersiyang inilunsad ng mga nakaraang administrasyon ay malinaw na mayroong paglilihis ngayon tulad na lamang sa kautusan ng SUPREME COURT na ang lahat ng kasong DENGVAXIA ay ang QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT ang manghahawak ay hindi rin sinusunod ng DOJ 0ROSECUTION PANEL at sa halip ay kung saan-saang MUNICIPAL TRIAL COURT isinasampa ang mga kaso.
Ang mga sumailalim sa DENGVAXIA VACCINATIONS ay dumanas ng matinding paghihirap na humantong sa mala-tortyur na kamatayan.., na ang Ilang nabubuhay pa ngayon ay mayroon pa ring mga dumadanas ng pagsumpong na epekto ng DENGVAXIA at naghihinagpis ang kanilang mga magulang para mapanagot ang mga IRRESPONSIBLE DENGVAXIA IMPLEMENTORS sa ating bansa.
Sa ngayon, tanging ang PAO na lamang ang nasasandalan ng mga DENGVAXIA VICTIM gamit ang iba’t ibang mga ebidensiya’t dokumento para mapatotohanan sa korte at mapanagot ang lahat ng nasasangkot.
May mga personalidad mang ginigiba ang integridad ng PAO para malusutan ang mga kinakaharap nilang gusot sa pag-asiste ng PAO tulad sa DENGVAXIA CASE ay marami pa rin ang nagtitiwala sa naturang ahensiya.., dahil sa isinagawang SURVEY sa pangunguna ni HECTOR DIAZ na SENIOR ADVISER TO JUSTICE GOVERNANCE IN JUSTUCE PROGRAMME ay +57 percent trust rating ang nakamit.ng PAO at ang mga CITY o TOWN GOVERNMENT ay +52%; barangay +50%; Philippine National Police ay +47%; Supreme Court ay +45%; Integrated Bar of the Philippines ay +41% at sa trial courts naman ay +40%
Ang isinagawang SURVEY noong legal aid summit sa BAOLOD CITY nitong November 27-30 ay para madetermina ang sitwasyon sa pagkamit ng hustisya na “JUSTUCE NEEDS SURVEY AND THE ACCESS TO JUSTICE STUDY”.., na ang rate ng PAO ay nagpapakitang marami ang nagtitiwala sa kanilang pagseserbisyo para makatulong sa mamamayan sa pagkamit ng hustisya!
***
Ang ARYA ay bumabati ng advance HAPPY BIRTHDAY kay MS. MARILOU “MALOU” PANGAN ng HEALTH AND WELLNESS TEAM ng BRGY. HOLY SPIRIT, QUEZON CITY na idaraos nito ang kaniyang BIRTHDAY CELEBRATION sa December 4, 2022 sa barangay hall. Ang team ni MS. MALOU ang abala sa pag-asiste sa mga nagpapa-medical check-up na nagmula pa sa malalayong Lugar.., dahil libre ang kanilang pagseserbisyo medikal na pinasimulang proyekto ni noo’y dating BRGY. HOLY SPIRIT CHAIRMAN at ngayon ay DILG USEC FOR BARANGAY AFFAIRS HONORABLE FELICITO ‘CHITO” VALMOCINA!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 885 para sa inyo pong mga panig.