Advertisers

Advertisers

2 hired killers at mastermind sa pagpaslang sa 2 babae sa Quezon, timbog sa Cavite

0 275

Advertisers

ARESTADO ang tatlong salarin kabilang ang isang negosyante sa pagpatay sa dalawang babae sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon nitong Martes, November 29, 2022, sa hot pursuit operation sa Barangay Kaybagal North, Tagaytay City, Cavite, Miyerkules ng umaga.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina Danny Deguzman, 39 anyos, driver ng get away vehicle; Randy Malabanan, 39, gunman; at ang negosyante na si Totie Laygo, isa rin sa mga bumaril.

Ang dalawang biktima ay kinilalang sina Lanilyn Caya, nasa hustong gulang, ng Barangay San Juan; at si Jesica Tambado, 28, ng Brgy. Lalig.



Base sa report ng Tiaong Municipal Police Station, nasa loob ng bahay ni Jesica si Lanilyn nang dumating ang tatlong lalaki at pinagbabaril ang dalawang babae saka mabilis na tumakas ang tatlo, nagtungo sa bahay ni Laygo sa Tagaytay City sakay ng isang kulay puting Toyota Altis, na agad hinabol ng mga otoridad matapos makita sa CCTV ang sasakyang ginamit ng mga salarin

Narekober sa mga salarin ang mga baril: isang Glock .40 Gen 4 pistol na may isang magazine na loaded ng 7 bala, at Colt Gold Cup Trophy model caliber .45 na may lamang magazine at mga bala; at ang ginamit na sasakyan sa krimen.

Napag-alaman ng mga otoridad na matinding selos ang ugat ng krimen dahil kasintahan umano ni Laygo si Caya, na mayroong iba pang karelasyon, matapos na gastusan ng milyon milyong piso at ipagkatiwala ang kanyang mga ari-arian sa biktima.(KOI LAURA)