Advertisers

Advertisers

Vhong Navarro nakahalo na sa ibang preso sa TCJ

0 264

Advertisers

NAKAHALO na sa ibang ‘persons deprived of liberty’ (PDL) ang TV host/comedian na si Vhong Navarro nang matapos nito ang quarantine period sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa.

Sinabi ni Senior Insp. Hernand Macoy ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR), natapos na ni Navarro ang pitong araw na quarantine na nagsimula Nobyembre 21.

Inilipat si Navarro sa TCJ mula sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility noong Nob. 21 kasunod ng inisyung ‘commitment order’ ng korte ng Taguig City.



Nauna nang inihain ni Navarro ang mosyon sa Taguig Regional Trial Court Branch 69 sa isyu ng banta sa kaniyang seguridad kung siya ay ililipat sa TCJ, hiniling na manatili sa NBI detention facility subalit hindi pinagbigyan ng korte.

Nakasampa sa nasabing korte ang kasong ‘rape’ na inihain ng modelo na si Deniece Cornejo.