Advertisers

Advertisers

Sen. Marcos: Onion farmers malungkot ang Pasko dahil sa planong importasyon

0 151

Advertisers

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang planong importasyon na kasabay ng mga anihan sa Disyembre.

Ipinaliwanag ni Marcos, chairman ng Senate committee on cooperatives na handa na ang mga onion farmers sa Region 1 hanggang Region 3 sa anihan sa ikalawang linggo ng Disyembre, partikular na sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Tarlac.

“Mahigit sa 43% ng pulang sibuyas ay maaani sa susunod na buwan at masusundan ito ng mga ani sa Enero mula sa Mindoro,” paliwanag ni Marcos na tumutukoy sa monitoring report ng Bureau of Plant Industry (BPI) ngayong Nobyembre sa mga nakatanim at mga nakaimbak na sibuyas sa nagdaang mga buwan.



Sa naturang ulat, inaasahang makakaani ng 5,537.3 metric tons (MT) ng pulang sibuyas sa Disyembre mula sa kabuuang inaasahang ani na 12,837.9 MT hanggang sa Pebrero ng papasok na taon.

Pero ayon sa BPI, ang inaasahang ani sa susunod na buwan at ang 13,043.37 MT na na-monitor na imbak ng sibuyas ay kapos pa rin para sa buong buwan ng Disyembre dahil sa matinding pinsala ng bagyong Paeng sa mga pananim noong Oktubre at pagsirit ng demand ng mga mamimili dahil sa Holiday Season.

Sa gitna ng mataas na presyo ng sibuyas mula Php280 hanggang Php400 kada kilo, inirekomenda ng ahensyang nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng mga sibuyas.

Ang farmgate prices ng sibuyaa sa kalagitnaan ng buwang ito ay nasa Php25 hanggang Php27 kada kilo, kumpara sa Php45 hanggang Php55 kada kilo na inaapela ng mga magsasaka para sana makabawi man lang sila sa panahon ng anihan, hindi pa kasama rito ang kanilang gastusin sa cold storage.

Idinagdag ni Marcos na ang mababang kita sa ani ang dahilan para mapilitan ang mga kooperatiba na makipag-kompromiso sa mga trader na target magkaroon ng import permit, at kakapusin naman ang mga maliliit na magsasaka sa gastos para sa dry at cold storage na “kontrolado na ng mga kartel.” (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">