Advertisers

Advertisers

1,347 kaso ng HIV naitala noong Setyembre – DOH

0 156

Advertisers

SA pagdiriwang ng World AIDS day ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala naman ng 1,347 bagong HIV cases noong September.

Ang bilang na ito ay 37 porsyentong mas mataas kumpara sa 981 HIV cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2021, ayon sa DOH.

Base sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines, may 1,293 (96%) ng mga bagong na-diagnose na kaso ay lalaki habang 54 (4%) ay babae, kung saan 7 sa kanila ang naiulat na buntis sa oras ng diagnosis.
Mula 2 hanggang 71 naman ang edad ng mga bagong kaso ng HIV.



May tatlong kaso o mas mababa sa 1 percent ang edad 15 pababa;
418 (31%) ang 15 hanggang 24; 667 (50%) ang 25 hanggang 34; 229 (17%) ang 35 Hanggang 49 at 30 o (2%) ang 50 pataas.

Ayon sa DOH ang sexual contact pa rin ang nangungunang dahilan ng transmission ng HIV noong September na nagpapakita ng 1,323 kaso o 98 percent.

Limang kaso ay dahil sa pagbabahagi ng mga infected na karayom habang ang 2 iba pa ay mga bata na nakakuha ng HIV sa pamamagitan ng mother-to-child transmission.

Sa mga nakakuha ng HIV sa pamamagitan ng pakikipagtalik, 941 (71%) ang mga lalaki na nag-ulat ng kasaysayan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki, 260 (20%) ang nakipagtalik sa kapwa lalaki at babae habang 122 (9%) ay sa opposite sex.

Ipinakita rin sa datos ng HARP na mahigit sa kalahati o 746 ng bagong iniulat na kaso ay mula sa Metro Manila at kalapit rehiyon ng Calabarzon at Central Luzon.



Noong September, sinabi ng DOH na nasa 1,058 indibidwal na ang naka-enroll sa anti-retroviral therapy.

Para sa parehong panahon, 418 kaso (31%) ay mga kabataan na may edad 15-24, kung saan karamihan ay lalaki. Mayroon ding 72 kabataan na may edad 10-19, na nahawahan ng HIV sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipagtalik, ayon sa datos ng HARP.

Dalawa naman sa mga bagong diagnosed na bata na wala pang 10 gulang ang nakuha sa pamamagitan ng mother-to-child transmission habang ang isa ay walang data sa mode of transmission. (Jocelyn Domenden)