Advertisers

Advertisers

Voter registration sa abroad sisimulan na sa Dis. 9 – Comelec

0 166

Advertisers

KINUMPIRMA ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na sisimulan na ang voter registration sa ibang bansa sa Disyembre 9 ng kasalukuyang taon.

Isasagawa rin ang overseas voter registration sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan sa kaparehong petsa.

Samantala ang voter registration period naman sa mga embahada na nag-ooperate mula Linggo hanggang araw ng Huwebes ay magsisimula sa Disyembre 11.



Ayon naman kay Office of Overseas Voting Director Sonia Bea Wee-Lozada, maa-ari namang magparehistro para sa overseas voting sa Maynila ang mga Pinoy na aalis o maabutan na nasa abroad sa mismong araw ng halalan sa taong 2025.

Magtatagal ang overseas voting registration period hanggang sa Setyembre 30, 2024.