Advertisers

Advertisers

Mayor Honey: “Sundin pa rin ang basic health protocols”

0 196

Advertisers

NANAWAGAN si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng residente ng lungsod na iwasang ipagdiwang ang Kapaskuhan sa isolation dahil sa COVID at tiyaking maging maingat at sundin pa rin ang basic health protocols sa kabila na ibinaba na ang mga restriksyon at kabilaan na ang mga party at get-togethers.

Ginawa ni Lacuna ang panawagan matapos na personal na pangunahan ang ikalawang araw ng gift-giving, ng pamahalaang lungsod. Ang alkalde ay sinamahan nina Vice Mayor Yul Servo-Nieto, Congressman Joel Chua at city councilors Terence Alibarbar, Apple Nieto, Fa Fugoso and Atty. Jhong Isip at iba pa sa pamimigay ng mga food boxes na naglalaman ng Noche Buena items sa mga residente sa kabisera ng bansa.

Ayon sa spokesperson ng alkalde na si Atty. Princess Abante, hanggang tanghali nitong December 2, si Lacuna at ang kanyang team ay nakatapos na ng first round ng distribution ng Christmas food boxes sa anim na distrito ng Maynila para taong ito ng #PaskongManileño2022.



“To date, a total of 220,000 Christmas food boxes for 227 barangays have been distributed in all six districts. The City of Manila is expected to finish distributing the almost 700,000 boxes by December 12, 2022,” ayon kay Abante.

Pinayuhan ni Lacuna ang mga residente na magkaroon ng kusa na umiwas sa mga lugar kung saan puwede silang mahawa ng COVID-19. Kung sakali naman na ‘di maiwasan ang physical distancing bagama’t open air, pinayuhan ni Lacuna na magsuot ng face masks at magdala ng alkohol para sa pagdisinfect ng kamay.

“There is nothing merrier in the holidays than spending it with your friends and loved ones free from any illness,”giit ng lady mayor, na isa ring doctor.

Sinabi pa ng alkalde na nitong mga nakaraang araw, ang kaso ng COVID sa lungsod ay tumaas kung ihahambing sa datos nang mga nakaraang araw.

Ayon pa sa alkalde, dahil sa kaliwa’t kanan ang mga party dahil sa Kapaskuhan, kailangang paalalahanan ang publiko na naririto pa rin ang COVID at patuloy na nagdudulot ng impeksyon sa tao.



“Do not let your guards down. Wearing facemask is still key,” paalala ni Lacuna.

Nasa kabuuang 695,000 na pamilya sa may 896 barangays sa Maynila ang tatanggap ng food boxes, kahit na ano pa ang estado sa buhay.

Umaasa si Lacuna na ang mga Christmas food boxes ay makakarating hanggang sa pinaka-depressed na lugar sa lungsod, upang tiyaking may Noche Buena na pagsasaluhan araw ng Kapaskuhan. (ANDI GARCIA)