Advertisers
TARGET ngayon ng Department of Education (DepEd) na isama ang “peace building” sa curriculum ng K to 12.
Pahayag ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio, tatawagin nila itong “National Culture of Peace”.
Layon ng curriculum na maresolba ang problema ng insurhensiya lalo na ang pag-recruit ng mga New People’s Army (NPA) sa mga paaralan.
Kasama rin dito ang “mandatory tootbrush drill” na bahagi ng National Culture of Peace at ito ay ituturo sa mga kindergarten.
Pagtitiyak pa ng bise presidente na kapag natapos ang nilalaman ng curriculum ay kanila itong ikokonsulta sa publiko.