Advertisers
TIMBOG sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bugaw na inihahatid sa bahay o hotel ang mga babae na isinasabak nito sa prostitusyon at napipili ng mga kliyente sa La Union.
Kinilala ang dinakip na si Emmanuel Hate Diongon, na inaresto sa loob ng isang hotel sa Bauang, La Union kasama ang ibinubugaw na babae.
Nabawi rin sa bugaw ang P10,000 na ginamit pambayad ng operatiba sa isinagawang operasyon.
Ayon sa NBI, pinipili sa social media ang mga ibinubugaw na babae at ihahatid ng bugaw sa bahay o hotel ng mga kliyente.
“Pinagpipilian sila [babae] sa halagang P1,500 to P2,000. Tropa nga ng subject itong mga kababaihan na ito,” ayon kay Attorney Giselle Dumlao, tagapagsalita ng NBI.