Advertisers

Advertisers

Ref Padilla umamin!

0 164

Advertisers

Hindi biro ang trabaho ng isang reperi. Kailangan alisto ka bawa’t segundo ng laban. Physically-fit din tulad ng mga atleta.

Kung minsan kahit ano ipito mo may hindi sasang-ayon sa iyo. Kahit ano itawag mo may magagalit sa iyo.

May mga pagkakataon na sa tindi ng Inis sa iyo ay nababato ka ng kung ano-ano ng audience.



Minsan naman nasasaktan ng player na iniisip na niluluto mo ang game.

Sa totoo lang mahirap mapaamin ang isang ref na mali siya. Kaya dinagdagan pa ang bilang nila sa isang laban. Pinagagamit na video ng game para mas malinaw ang tawagan. Tapos may coach’s challenge na rin kung tingin nila ay agrabyado sila sa isang partikular na crucial play.

Nguni’t kung may mangumpisal na isang reperi sa publiko, aba ibang klase na ito. Oo kahit dalawang dekada na ito naganap.

Kaya ang revelation ni Carlos Padilla Jr sa fight ni Manny Pacquiao kontra sa isang Australian taong 2000 ay big news.

Dapat ito suriin mabuti. Kailangan masusing imbestigahan.



Kung may isang batikang International ref na nakagawa ng di tama sa ibabaw ng ring eh di mas marami pa ang mga unknown na kapareho niyang may kinilingan na panig.

***

Kulang na sa isang libo ang kailangan na maiskor ni LeBron James upang mapantayan ang rekord ni Kareem Abdul Jabbar para sa pinakamaraming puntos sa kasaysayan ng NBA.

Inaasahan na mahihigitan pa ni King James sa season na ito ang 38,387 ng dating si Lew Alcindor. Naibuslo niya iyan mula 1975 nang nasa Milwaukee pa ang 7’2 na sentro hanggang magretiro taong 1989 bilang LA Laker.

Kahapon sa game kontra sa Washington ay naka-29 si LBJ kaya 907 na lang dapat niyang gawin.

Kung maka-shoot siya ng average na 25/laro ay kailangan niya ng 37 na game para maka-equal sa numero unong spot.

Naka-22 na laban na sila kaya sa ika-59 na match mangyayari ang pagpantay o pagbasag ng scoring mark.

Sa top ten na listahan ay siya ang bukod tanging aktibong player. Nasa pang siyam ang kasabayang si Carmelo Anthony pero wala pang team hanggang ngayon na kumukuha matapos hindi i-tenew ng prangkisa ng mga Buss.

***

Nang dinaig ng Adamson ang La Salle sa playoff nila para huling spot sa Final Four sa UAAP ay may matalim na komento si Pepeng Kirat. Sabi ni Pepe ay hindi ibig sabihin malaki budget ng Green Archers ay kakayanin na nila ang team gaya ng Soaring Falcons na regular lang ang pondo para sa basketball.

Nabalewala daw ang mga pagrecruit pa ng mga manlalaro sa ibang bansa. Pati raw pagsalo kay Mark Nonoy mula sa USTe ay nasayang din.Sa mga nakaraang panahon naman ay umubra ang yaman ng mga manedyer ng DLSU.

Talagang ganoon Pepe, bliog ang bola eh.