Advertisers
Natagpuang patay ang lalaking galing sa sayawan sa Goa, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Rolando Romero, 30 anyos ng parehong lugar.
Ayon sa report ng Goa PNP, 9:30 ng umaga nang maiparating sa kanilang kaalaman ang pagkakadiskubre ng bangkay ng isang lalaki sa Sitio Palayan Brgy. Lamon.
Huling nakitang buhay si Romero sa isang sayawan sa Barangay ng nagdaang Disyembre 3 kung saan lasing na lasing ito.
Wala namang nakitang senyales ng foul play sa insidente at walang nakita ang PNP ng anumang sugat sa katawan ng biktima.
Hinihintay ng PNP ang resulta ng medical test upang matukoy ang sanhi ng pagkasawi.