Advertisers
KINILALA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Las Pìnas City Government bilang Top 1 sa isinagawang supplementary feeding program kung saan ay nagkamit ito ng pinamakataas na marka o porsiyento ukol sa paghahatid ng maayos na nutrisyon.
Sa ilalim ng naturang programa , ang probisyon ng pagkain na karagdagan sa regular meals para sa kasalukuyang naka-enroll sa mga mag-aaral ng day care center sa naturang lungsod.
Nabatid na layunin nito na mabigyan ng sapat na nutrisyon ang mga batang mag-aaral upang magkaroon ng wastong timbang at malusog na katawan na naaangkop sa kanilang edad at paglaki.
Nagpasalamat naman si Mayor Imelda Aguilar sa DSWD dahil sa ipinagkaloob na parangal na kumikilala sa paghahatid ng hindi matatawarang serbisyo ng Las Piñas LGU sa kanyang mga nasasakupan.
Mananatili ang lokal na pamahalaan sa kanyang adhikain na siguruhin ang kapakanan at kalusugan ng bawat Las Piñeros. (JOJO SADIWA)