Advertisers
TAGUMPAY na inilunsad ng Lupon sa Ribyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon o MTRCB ang seminar na pinamagatang “Usapang Responsableng Panonood (RP) at Parental Controls” na ginanap sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City
Ang naturang seminar ay sa ilalim ng Responsableng Panonood Program na orihinal na ideya ni MTRCB Chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio at resulta ng patuloy na adbokasiya ng Ahensya tungo sa empowerment ng Filipino viewers sa pamamagitan ng media at digitalliteracy.
Pinangunahan ni MTRCB Vice Chairman Nathaniel De Mesa ang programa sa pamamagitan ng isang welcome remarks. Pinasalamatan niya ang mga katuwang ng MTRCB mula sa gobyerno, pribadong sektor, industriya ng pelikula at telebisyon, mga miyembro ng media at higit sa lahat ang mga parent-teacher associations na dumalo at nagpakita ng suporta sa adbokasiya ng MTRCB.
Tinalakay ni MTRCB Board Member (BM) Maria Carmen Musngi ang tuntunin sa MTRCB Television Ratings habang si MTRCB BM Federico Moreno naman ang tumalakay ng proseso at guidelines ukol sa MTRCB Movie Ratings. Si BM Moreno rin ang nagpresenta ng pinakabagong infomercial ng MTRCB na ipalalabas sa mga sinehan simula ngayong
Disyembre.
Sa kanyang pagtalakay ukol sa Responsableng Panonood, ibinahagi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio ang gampanin ng mga magulang sa paghubog ng kamalayan ng mga kabataan.
Binigyang-diin niya na ang MTRCB ay nariyan upang magbigay ng gabay sa pamamagitan ng
MTRCB ratings at klasipikasyon, subalit ang mga magulang ang may responsibilidad na gumabay sa kabataan.
Isa sa tampok na parte ng programa ay ang discussion ni Ginoong Ruben Hattari, ang Southeast Asian Director of Public Policy ng Netflix. Tinalakay niya ang in-app at web-based parental control features na maaring magamit ng mga magulang para mas paigtingin ang pagbabantay sa pinanonood ng mga kabataan.
Sa mga susunod na MTRCB Usapang RP at Parental Controls event, inaasam ng Lupon na makapagsanib pwersa sa ibat ibang video on demand providers, lokal man o foreign upang ma
highlight ang kanilang sariling parental control features na may layunin na protektahan ang kanilang subscribers.