Advertisers
Ni WALLY PERALTA
BALIK na ulit sa paggawa ng serye si Coco Martin matapos ang mahaba-habang bakasyon after ng airing ng longest running serye ng bansa, ang “Ang Probinsiyano.”
By this time ay isa pa rin hit na movie na ginawa ni Da King FPJ ang titulo ng bagong serye, ang “Batang Quiapo”. Taliwas sa napabalita na ang makakatambal umano ni Coco sa kanyang bagong serye ay ang girlfriend na si Julia Montes, ang love team ni Coco ay ang mismong anak ni Da King na si Lovi Poe.
For Lovi, its another dream come true, eh kasi first time ever na lumabas sa isang project na naging movie ng kanyang yumaong ama.
“Couldn’t think of a better team to work with on my first FPJ project. We’re very excited to do this adaptation of Batang Quiapo. Ibibigay namin ang lahat ng aming makakaya para sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa nag-iisang Da King.
This one’s for you, Papa,” say ni Lovi.
Ang “Batang Quiapo” ay intended for next year airing, sa direksyon nina Coco and Malu Sevilla.
Bukod kay Charo Santos, kasama rin sa naturang serye sina Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Susan Africa, Tommy Abuel, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Lito Lapid, John Estrada and Christopher De Leon.
***
MARAMING kasamahan si Andrea Garcia sa latest project niya sa Vivamax, ang original series na “Lovely Ladies Dorm”, na kabugan sa aktingan at kaseksihan ang mga lovely ladies dorm na sina Hershie De Leon, Julia Victoria, Tiffany Gray, and Yen Durano, pati na rin ang Italian-Canadian actor-model na si Nico Locco, at sa suporta ng seasoned actress na si Alma Moreno. Magsisimula nang mapanood sa lahat ng Vivamax apps ang naturang original serye simula December 18 at kada linggo thereafter.
Naikuwento ni Andrea na simula nang pasukin niya ang sexy career image nadagdagan na ang kanyang mga bashers at may mga komento pa na talagang ikasisira ng araw ni Andrea.
“Choosing to show skin, choosing to be sexy doesn’t make me less of a person. It doesn’t make me a bad person, a bad daughter, a bad sister… It just means that I feel empowered to be sexy. It’s a form of art and it’s what in our media now.
“Art of dedma talaga. Ikaw lang ang may kilala sa sarili mo. And as long as you’re happy talaga, dedma na lang sa kanilang lahat,” say ni Andrea.