Advertisers

Advertisers

POWER PUNCHES NI SUAREZ

0 166

Advertisers

NAWALA ang kayabangan ng pambatong Indonesian fighter na si Defry Palulu matapos niyang matikman ang power punches ng ating kababayang sa Charly Suarez sa kanilang bakbakan kamakalawa ng gabi sa Vong Tao,Vietnam .

Sa mga media interviews kasi bago ang laban kay Palulu,kumpiyansiya ang Indon pug na tatalunin ang Pinoy pug at Olympian boxer na si Suarez dahil wala umano itong puwersa at kaya niya ang suntok pagdating ng bakbakan nila sa kwadradong lona.

Sa sandali ng katotohanan, sa unang round pa lang ay mistulang humihingi na ng saklolo si Palulu sa kanyang anghel nang matikman niya ang kamandag na kamao ni King Warrior Suarez na nasundan pa ang mga lagapak ng mga buntal ni Charly sa pagmumukha ng gulantang na si Defry.



Basag ang ilong pati pride at di makakita ang kaliwang mata ng Indonesian pugilist dahilan upang itigil ng referee ang one-sided na bakbakan at itaas ang kamay ni Suarez na wagi via TKO upang maisukbit ang IBF Super Featherweight belt at naglagay sa kanya sa ranggo na ng mga world boxing contenders.

Bunga nito ay ang imminent nang pagtaas ng rating ni Suarez na ang misyon ay makamit na ang world boxing championship sa malaong hinaharap.Nakaguhit na iyan kaya dapat itong matupad.Magiging isa sa wòrld’s best si Charly Suarez.

“Nagpapasalamat po ako sa ating Panginoon sa victory at protection na kaloob niya po sa akin,” pahayag ni Suarez via messenger.

Buong kagalakan din ang nadarama ng kanyang buddy-buddy sa training hanggang sa ring na si coach Delfin Boholst. “Nung tamaan siya ng snap na suntok ni Charly sa first,ininda ito ng kanyang kalaban.Kaya nung nakita ko nasaktan ang Indonesian,ang instruction ko kay Charly ay ulitin niya at nasunod naman, ang mga kumbinasyong pinawalan niya ang ay bugbog-sarado ang kalaban kaya ipinatigil na ito ng doktor dahil sabi ni Palulu wala na raw siya nakikita sa kaliwang mata,hindi ang broken nose ang ininda ng kalaban kundi ang di siya makakita,” wika ni Boholst.

Ang Team Suarez ay nakatakdang bumalik ngayon sa Pilipinas bitbit ang kampeonato handog sa kababayang Pilipino.



Saksi ang Uppercut kung paano paghandaan ang kanyang laban sa tunay na hahangaan ang kanyang determinasyon,pokus, disiplina upang matupad ang ultimatum na misyon..ang pandaigdigang kampeonato at iyan ang tadhanang nakasulat na matutupad…

ABANGAN! Special mention sa ating tsokarang vlogger na si Badong Aratiles.Ang kanyang vlogs ang tanging channel na may kinikilingan,may pinapanigan,una sa balita,huli sa impormasyon..pindot na! VLOG ANG MUNDO!