Advertisers
Advertisers
Advertisers
ARESTADO ang isang padre de pamilya matapos kasuhan ng panggagahasa sa 10-anyos nitong anak sa bayan ng Pilar, Bataan.
Sa report ni Police Captain Emmerson L. Coballes kay PNP Regional Director BGen.Rhodel Sermonia, kinilala ang nadakip na si Joseph Versosa , 48 , ng Barangay Rizal, Pilar.
Sa ulat, una nang naghain ng reklamo si Kagawad Gierllie Santos Paule, chairwoman ng Barangay Social Welfare, laban kay Malang.
Sa salaysay ni Paule, lumapit sa kanya ang dalagita kungsaan isinumbong nito ang kahalayang ginawa ng kanyang ama.
Ayon pa sa biktima, makailang beses siyang pinagsamatalahan ng ama. Huli siyang ginamit noong Setyembre 15, bandang 11:30 ng gabi.
Detenido ngayon ang demonyong ama sa Pilar Municipal Jail habang inihahanda ang kasong ‘Rape’ in relation to child Abuse. (Thony D. Arcenal)