Advertisers

Advertisers

P6.8m shabu, nasabat sa Cebu

0 522

Advertisers

Sa kulungan ang bagsak ng isang provincial level high-value individual nang makumpiska ang isang kilo ng shabu sa isinagawang buybust operation ng Naga City police station at Cebu Provincial Police Office (CPPO) Drug Enforcement Unit (PDEU) nitong Huwebes sa Brgy. Inayagan, Naga City, Cebu.

Kinilala ang naaresto na si Maria Victoria Cabaron Ledesma alyas Yadni, 28 anyos at residente ng Brgy. Suba nitong lungsod ng Cebu.

Tinatayang nagkakahalaga ang nakumpiskang shabu ng P6.8 million pesos.
Inihayag ni CPPO Director PCol Rommel Ochave, na bagama’t nagmula sa Cebu City ang naarestong suspek, inihahatid ang shabu sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad ng lalawigan.



Natukoy na rin umano ang iba pang personalidad na magiging subject ng kanilang imbestigasyon at follow-up operations.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa naarestong suspek.