Advertisers

Advertisers

Teves Cares sa DZRH

0 186

Advertisers

Pormal na pinalagda ng DzRH bilang bagong makakasama sa himpilan si Negros Oriental Rep. Arnie “Kuya” Teves ng kontrata para programa nitong Aksyon! Tulong! Solusyon.

Kilala ang mambabatas na si Kuya Cong Teves sa pagiging matulungin kung saan patok at laging viral ang mga post at live sa kanyang Facebook account.

“Sinumulan ko lang ito, hindi para sa pulitika bagkus ay maka-entertain at makatulong ng konti sa kapwa at labis akong natuwa dahil madami ang naka-appreciate ng aking Teves Cares Live,” pahayag ni Teves.



Ang Teves Cares Live: Aksyon, Tulong, Solusyon ay e-ere sa DzRH simula Enero 7, 2023 tuwing Sabado sa ganap na alas-6 hangang alas-7 ng gabi. (CESAR MORALES)