Advertisers

Advertisers

Bilang ng tourist arrivals sa bansa sumampa na sa mahigit 2.39-M – DOT

0 151

Advertisers

PUMALO na sa P130 bilyon ang mga resibo ng turista sa bansa habang umabot sa mahigit 2.39 milyon ang arrivals dito sa ating bansa ayon sa ulat ng Department of Tourism.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang pagpapagaan ng travel restrictions at health protocols ay nag-ambag sa mataas na kita ng turismo na nagkakahalaga ng $2.34 billion dollar o mahigit sa P130 billion noong buwan ng November.

Ang mga foreign travelers naman ay umabot sa mahigit 2.3 million noong buwan ng Disyembre 2022 na kung saan ang nangungunang mga bisita ay mula sa United States na may humigit-kumulang 400,000 na sinundan ng South Korea na may higit sa 374,000, Australia na umaabot sa 100,000 at sa marami pang ibang mga bansang pinagmumulan ng mga turista.



Ang mga numero o ang inilabas na datos ay malayo pa sa mga antas ng pre-pandemic ngunit ang ahensya ay may mataas na pag-asa na ang mga destinasyon ng bansa ay magtutulak sa papasok na paglalakbay sa lalong madaling panahon na makakatulong sa ekonomiya ng ating bansa.

Ang layunin ng ahensya ay hindi na bumalik sa mga antas ng pre-pandemic upang mapalakas ang kita at mapalago ang mga tourist destination na talaga namang naipagmamalaki para sa mga turista na nais bumisita dito.

Para sa taong 2023, target ng DOT na maabot ang hindi bababa sa tatlong milyon hanggang apat na milyong turistang bibisita sa ating bansa.