Advertisers

Advertisers

BAD NEWS! OIL PRICE HIKE NEXT WEEK

0 195

Advertisers

POSIBLENG magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng oil price hike sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ang apat na linggong sunod-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Base sa pagtataya ng local oil industry sources, posibleng magkaroon ng P1.40 hanggang P1.60 na dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.



Mas maliit naman ang magiging patong sa presyo ng gasolina na maaari lang umabot sa 10 centavos hanggang 30 centavos kada litro.

Ang kerosene naman ay maaaring madagdagan ng P1 kada litro.

Una rito, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na mayroon silang nakikitang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang pagbubukas ng ekonomiya ng China at pagtaas ng demand sa langis ang isa sa mga nakikitang dahilan sa pagtaas ng presyo.

Magugunitang nitong nakaraang Martes, umabot sa P3.40 ang natapyas sa presyo ng diesel, P1.70 sa gasolina, at P4.40 sa kerosene.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">