Advertisers

Advertisers

SENADO HIHIMAYIN ANG MINADALING ‘MAHARLIKA’ BILL

0 174

Advertisers

MABILIS na nakapasa sa 3rd at final ng Kamara ang Maharlika Investment Fund (MIF) nitong Huwebes matapos sertipikahang “urgent bill” ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

Anim lamang ang kumontra sa panukala habang 279 ang pabor dito sa ginanap na botohan.

Ang mga kumontrang kongresista ay sina 3rd District Camarines Sur Representative Gabriel Bordado, Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, ACT-Teachers Rep. France Castro, Basilan Rep. Mujiv Hataman, 1st District Albay Rep. Edcel Lagman, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.



Pero sa Senado, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na aaralin nilang mabuti ang panukala para sa mga pagdinig at mga debate sa oras na magbalik ang sesyon ng Kongreso sa susunod na taon.

Sinabi ni Villanueva na suportado niya ang ideya na magtatag ng sovereign investment fund ang bansa, ngunit kakailanganin muna ng malalim na pagsusuri sa panukala.

Dapat aniyang dumaan ito sa masusing pag-aaral ng Kongreso upang matiyak na mapapangasiwaan ng maayos ang pondo at masisiguro ang transparency at accountability sa pupuntahan ng investment fund.

Mahalaga rin aniyang matukoy at malinawan ang investment objectives at strategies para sa pondo upang matiyak na maayos na magagamit ito para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Sinabi naman ni opposition Senator Koko Pimentel na hihimayin nilang mabuti ang panukalang simbilis ng kidlat na pumasa sa Kamara.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">