Advertisers

Advertisers

IWTS Foundation: Wagi ang laban!

0 293

Advertisers

Isa sa pinaka-mahirap labanan at gamutin ang sakit na cancer at iilan lang rin ang mga survivors nito.

Subalit kung ito ay maagapan, kayang-kaya itong pagwagian.

Ganito ang nangyari sa ilang pediatric cancer patients sa University of the Philippines-Philippine General Hospital Department of Pediatrics Division of Hematology and Oncology, sila ay mga nagwagi laban sa cancer.



“Joie de vivre! Can beat it!”, ang siyang guiding slogan ng I Want to Share Foundation (IWTS), sa pamumuno ni Sheila Bermudez Romero in partnership sa UP-PGH, na siyang umalalay at sumubaybay sa mga batang biktima ng cancer hangga’t tuluyan silang gumaling sa kanilang mga karamdaman.

Bilang pasasalamat sa kanilang pagwagi kontra cancer, ang IWTS Foundation at ang UP-PGH ay nagkaroon ng special graduation ceremony kahapon para sa mga pediatric cancer survivors at isang Thanksgiving mass rin ang kanilang idinaos sa Grand Ballroom ng Prince Hotel sa Ermita, Manila.

Makikita sa larawan si IWTS Foundation chairperson Sheila Romero kasama ang asawa nito na si 1PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero at mga batang natulungan malaban ang nasabing karamdaman. (CESAR MORALES)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">