Advertisers

Advertisers

Parak kinatay ni misis

0 201

Advertisers

PINATAY sa saksak ng isang misis ang kanyang mister na pulis sa kanilang bahay sa Palo, Leyte nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Staff Sgt.Kerwin Pasana, 47 anyos, nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit sa bayan ng Palo.

At ang salarin ay ang kanyang misis na si Ronalyn Pasana, 33.



Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lagpas na ng hatinggabi nang umuwi ng bahay ang biktima.

Sa report, kinompronta ni Ronalyn ang kanyang mister na armado ng kutsilyo. Naging mainitan ang pagtatalo ng mag-asawa hanggang sa pagsasaksakin ng misis ang kanyang mister sa itaas na bahagi ng hita.

Narinig ng kapatid na lalaki ng biktima ang kaguluhan dahil sa kabilang pintuan lamang ito nakatira at sinilip nito ang mag-asawa.

Nadatnan ng kapatid ng pulis na duguang nakahandusay at walang malayang huli habang nakaupo sa tabi nito ang misis.

Sa pagresponde ng mga barangay tanod, narekober ng mga ito ang kutsilyong ginamit ni Ronalyn.
Isinugod sa Leyte Provincial Hospital (LPH) sa Palo ang pulis pero hindi na ito nailigtas.



Kasalukuyan nasa kostudiya ng Palo Municipal Police si Ronalyn.