Advertisers

Advertisers

Mommy naaktuhan ang mister ginagahasa ang sariling anak, natuklasang 3 taon nang sex slave

0 157

Advertisers

NAAKTUHAN ng ina ang paggahasa ng kanyang mister sa kanilang 15-anyos na anak at nadiskubreng sex slave nito ang kanilang dalagita sa loob ng nagdaang tatlong taon.

Nadiskubre ng ina na nag-umpisa ang kalbaryo ng kanilang anak noong 12 anyos pa lamang ito.

Kinasuhan ang manyakis na ama nitong Lunes, Disyembre 19. Inaresto ang hindi pinangalanang mister na isang guwardiya sa kanilang tahanan sa Barangay Banilad, Cebu City.



Nahaharap ang mister sa 3 counts ‘statutory rape’. Inisyu ang arrest warrant ni Regional Trial Court Branch 74 Judge Marlon Jay Guillena Moneva.

Walang inirekomendang piyansa sa baboy na ama.

Bukod sa kasong rape, may pending case din ang akusado sa paglabag sa RA 9262, o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, na isinampa rin ng ina ng biktima.