Advertisers

Advertisers

Heneral na masigasig sa kampanya vs droga at e-sabong sinibak!

0 199

Advertisers

SINIBAK kaagad ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang hepe ng Police Regional Office (PRO) 7 na dalawang buwan palang na pamumuno sa rehiyon.

Walang binanggit na dahilan ang PNP sa pagkakasibak kay Brig. General Augustus Alba.
Inilipat si Alba sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development (DHRDD) sa Camp Crame.

Papalitan si Alba bilang hepe ng PRO-7 ni dating PRO-3 (Central Luzon) Regional Director Brig. General Fornaleza Bearis.



Itinalaga naman si dating DHRDD Director Brig. Gen. Alexander Tagum bilang hepe ng PRO-11.

Matatandaan na mismong si Azurin ang namuno nang palitan ni Alba ang nagretirong si Brig.

General Roque Eduardo Vega bilang hepe ng PRO-7 noong Oktubre 13.

Sa maikling panunungkulan sa PRO-7, ipinagpatuloy ni Alba ang pinaigting na kampanya ng PNP kontra iligal na droga at ang kampanya laban sa online sabong kungsaan umaabot sa 283 indibidwal ang naaresto na sangkot sa e-sa-bong mula Disyembre 5 hanggang 10.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">